Sa Iyong Paglisan... by Jill Manalo on Monday, February 28, 2011 at 5:40pm Hanging malamig sa yong pagdampi. Baunin mong kalungkutan ko't pighati. Naway yaring aking paghikbi. Sa'yo'y unti-unting mapawi. Tulad ng araw pagsapit ng dilim. Nagkukubli kung saan di mo mararating. Gaya rin ng ulan pagtapos ng unos. Magandang bahaghari ang syang pumapalit. Ikaw man sinta ko sa iyong pag-alis. Nais kong dalhin mo lahat kong hinagpis. Sa oras na ang mundo ko'y lisanin mo. Umasa kang lahat ay lilimutin ko. Dalangin ko sa maykapal ang 'yong kaligtasan. Lumigaya ka sana sa piling nyat wag kang lisan. marahil talagang di tayo magkabagay. Salamat na lamang sa lahat mong inialay. | Sa Muli Mong Pagbalik... by Jill Manalo on Monday, February 28, 2011 at 5:44pm Lahat ng pighating idinulot mo noon. Ay tila naglaho na't pinawi ng panahon. Maging ang mga sugat ay dagling naghilom. Wala na ang hinanakit ni katiting na poot. O anong ligaya ng muling mamasdan ka. Kahapong kaytamis ano't nandito pa. Heto ka ngayon at muling sumasamo. hangad ay patawarin sa lahat mong atraso. Nais ko man ngayon na muli kang tanggapin. Magsimula ng bagong samahang malambing. Ngunit ang minsang pagkakamali'y di na matutuwid. kahit na ba maging sa muli mong pagbalik. |
Ako si Jill at AyOko ng.... Ayokong pumasok sa gabi. Pero GY shift ako Ayoko ng kape. Kung di libre Ayokong magtxt. Kung di unlimited Ayokong mag MRT. Kung puno Ayokong lumakad sa ulan. Kung walang payong Ayoko sa lalaki. kung mukhang babae pa sa akin Ayoko sa gwapo. Kung bobo naman Ayoko sa mayaman lalo't mayabang Ayoko sa Tobleron. Mas gusto ko ng Chocnut Ayoko ng pretzel. Nakamamatay (di ba nga yung president nabulunan) Ayoko sa sobrang matamis. Maalat tsaka sobrang asim pwede Ayoko ng juice. Softdrinks na lang Ayoko sumakay ng dyip. Kung traffic Ayoko ng sponge. Pwera lang sa Spongecola Ayoko ng Walang Tulugan. Graveyard na nga ako diba Ayokong tumanda, ng nagiisa Ayokong mawalan, ng kaibigan Ayokong makipag boxing ki Pacquiao. Lugi ako noh Ayoko na pakialam mo!. | Meron din akong GUSTo!! Gusto ko ang pamilya ko. Mahal nila ako Gusto ko ang trabaho ko. Malaki sweldo (arte ka pa ba yung iba nga wala) Gusto ko mga ka-facebook and ka-AMAZIN' team ko Gusto ko manood ng TV re-runs at mag marathon ng DVD/VCD Gusto ko ang Supernatural at Vampire Diaries Gusto ko ang American Idol at SHOWTIME Gusto ko ang NARUTO, Eyeshield 21 at Samurai X Gusto ko mag stay after my shift kahit me araw na Gusto ko ng Alternative music Gusto ko ng Starbucks coffee Gusto ko rin ang Gloria Jeans Gusto ko sa 7-Eleven. Laging bukas Gusto ko na ng Pesto dahil me 24 hrs na Pan De Manila Gusto ko ng sandals, malalaking bags Gusto ko mag taxi araw araw kahit diet ang bulsa ko Gusto kong umuulan. Wag lang bumabagyo Gusto ko ng summer. Lalo na sa beach Gusto ko matulog sa gabi. Manila time..hehe Gusto ko mag blog. enjoy ako Gusto ko rin kung me nagbabasa na nito. Gusto kong magpasalamat sayo. -----jill |